KOLATERAL (PHL)
Parasitikong Abusado
[News bulletin]
The bloodiest day yet in Philippine President Rodrigo Duterte’s War on Drugs. 32 people killed in dozens of anti drug operations in Bulacan, a province north of Manila…

[WYP]
Mga  uuod gumagapang sa balat ng mga patay
Kumakagat,  sumisipsip sa mga buhay na walang malay
Lintang sumisipsip sa burak ng kamatayan
Parang si Digong ngumangatngat sa ating bayan

Abusado!  (Sino-sino ba mananagot sa inyo?)
Abusado!  (Sino-sino ba mananagot sa inyo?)
Abusado! (Sino-sino ba mananagot sa inyo?)
Abusado!  (Sino-sino ba mananagot sa inyo?)

[LANZETA]

Kanino yang bangkay?
Naging bilang hagdan dito ang lagay
Pag nagsamang lahat ay parang paa ng mga may
Kagagawan  na hindi bababa sa libong namatay

Ilan na silang mga buwahayang nilugar
Sa obligasyon na inuna ang lagay niyo sumama
At pagkabilangan tinatayang buhay ang sinugal
Sa operasyon ang resulta ay mas lalong lumala
Pagkatao lumalang aasta na Diyos sa
May katha nya at obra bawal nga ba o
Magkakatama ka sa droga masama ang sobra
Mga dagdag at bawas niya sa gawa na storya

Kaya nakatoka na papasukin ngayon ay
Patakbuhin ng matulin hahabulin kayo may
Babaguhin ng kulayan sa gayon pinatunayang
Mga nanlaban ay hindi nagpahuli ng buhay

Maliin ang direksyon malihis ang diretsyo o palihim at sikreto yan
Nakakalat sa daan yung maligpit ang mithi niyo na
Sa kanya nagpapaslang kung malinis ang intensyon

Mapahindi pag kwinestyon dapat isuko yang puwesto
Maling punto argumento ating tutok sa congreso
Pakiduro ang supremo maging guro sa proseso
At ituro ang pinuno palit ulo sa gobyerno

Dinurog ang konkreto para makatas ka
Nang mapalaya sa kalayaan na kalayaan na
Ang bathalang siya nabahalang mag abala
Papabayaan at hahayaang ka mawala

Sa kada salang nasa baba ka nakadapa
Pantay sa may paa panay pagmamakaawang kataga na
Patawad sa mga nagawa nya na masama
At salamat sa ngalan ng ama, sambayan ng tanga
[WYP]
Mga uuod gumagapang sa balat ng mga patay
Kumakagat, sumisipsip sa mga buhay na walang malay
Lintang sumisipsip sa burak ng kamatayan
Parang si Digong ngumangatngat sa ating bayan

Abusado! (Sino-sino ba mananagot sa inyo?)
Abusado! (Sino-sino ba mananagot sa inyo?)
Abusado! (Sino-sino ba mananagot sa inyo?)
Abusado! (Sino-sino ba mananagot sa inyo?)

[PROLET]

Tinamasa ang lagim! Nanggaling sa di patas at mga sakim
Wala na pang madadamhin, binawi ang buhay sa perang heheramin
Inubusan na, may kita pa
Hinugasan ba? dumudungis nga!

Binababad sa kalsada
Tumatambad ang may sala
Umuusad ang pag-asa?
Inuuod lang ng pera?

Sino!
Sino na lang ang kanilang kayang kaya nilang patahimikin, linisin
Sumilip na lang, tahimik-abang sa mga produkto na kung tayo ang nagpapabaya rin
Simbahan nga ba? pagkatiwala
Nangunguna naman sila sa mga pumipila
Nakahilata, hindi kilala
Napupunta naman sila sa mga lugar na di natin gusto makita!

Pakitiran ng lalagyanan nang
Katawang walang pagkakilalan
Palihiman ng mga mayamang
Katuwang ang mga walang muwang

Sinagip nila ang mga banta
May takip kanilang mukha
Kalakip ang mga maling balita
Hati-hati ang mga kumita, sa mga pamilya!

Kaya kada miyembro tinuturing na sila ang mga produkto
Ang ehemplo ng pasimuno ay ang pang-uuto ng pangulo!
Isang malaking negosyo ang pasismo ng gobyerno!
Iba't iba man ang maging takbo ng konteksto
Isa lang ang may pakay sa tinukoy na areglo....

[WYP]
Abusado! (Sino-sino ba mananagot sa inyo?)
Abusado! (Sino-sino ba mananagot sa inyo?)
Abusado! (Sino-sino ba mananagot sa inyo?)
Abusado! (Sino-sino ba mananagot sa inyo?)

[INVICTUS]

Parang buryo sa palabas
Pagkat gusto na magwakas
Mga makulay, agnas, wala ng buhay
Bakas sa pagkapungay ng mata nang walang gulay
Namamagat ngayon ay
Mga mahal nakadapa sa hukay

Pagkat ilan ba ang talagang nagaagawan
Bawat tinatayang daang bangkay nasa daan
Baka sinadya ng nakaabang sa katawan
(Kaya) kaya tinakpan ang mga gawa ng katawan

Masyadong garapal pagkat singilan na naman
Ang kaso babagsak sa may himpilang bayaran
Nagbago na lahat at napilitan malamang
Sya'y tao na tapat kaya hindi yan naglaban

Hapdi ng nawalan tila nakakadarag
Mga mahalaga ay di na makapagpatawad
May pinakawalan sila ang mga mapalad
Habang patay naman ang pinakawalang mabayad

Paglisan nakasira ng taong makulay
Kaya wala na ang hiling pagka't ngayon ay kulang
Naiwan na pamilya nagbaon sa hukay
At para lamang sa libing ay nabaon sa utang

Masyado na sanay
Kalmado na lagay, binasag na ng ginambala
Barado daw sakay, binawasan ang ilang kasama
May tao na patay, binalaan sa tirang bahala
Natagpuang bangkay tinamaan ng ligaw na bala

Mga sabik nagbabalak na mauna
Nakaabang salapi sa katawan makakuha
Pagdapa sa tabi mga parak may pasura
Pagpatak ng gabi ang papatak mga luha (cries)

Inyong pinuno may gawa at sya’y nalilito
Di natutunang mahabag akala pwede to
Sinapupunan sa lapag na parang sentimo
Hindi bagsak at di patak kundi laglag ang termino

--------------ENGLISH TRANSLATION--------------

[News bulletin]
The bloodiest day yet in Philippine President Rodrigo Duterte’s War on Drugs. 32 people killed in dozens of anti drug operations in Bulacan, a province north of Manila…

[WYP]
Worms crawling on the skin of the dead
Constantly sucking on unconscious lives
Leeches growing fat on the stinking detritus of death
Just like Digong gnawing on the bones of our nation

Abusers! (Who among you will pay for this?)
Abusers! (Who among you will pay for this?)
Abusers! (Who among you will pay for this?)
Abusers! (Who among you will pay for this?)

[LANZETA]

Whose corpses are those?
Piled up so high like a ladder
When lumped together it’s as if the feet of those responsible
Would not touch the thousands upon thousands dead

How many of those crocodiles have been put in place
The obligation they prioritize is the bribe you’ve placed as bet
Counted among the lives gambled away
In an operation where the cure is worse than the illness

This policy’s author acts like God personified
And his creation — is it really forbidden or
Will you get high on drugs but it’s bad to excess
More or less, his fabricated stories

Those set to be invaded will be made to
Run as fast as they can, lest they catch you and
They’ll change how it’s painted now that it’s been proven
That those who fought back did not allow themselves to be caught alive

Falsify the direction, swerving from the straight path or
Quietly, done in secret
Scattered on the streets are your ideals that he has slain if the intentions are pure

They deny it if questioned, they should resign from their post
It’s a wrong point of argument that they focus on in congress
Point at the judge, be a teacher of the process
Point out the head of state, swap the head of government

We broke through concrete to let you escape
And when you were freed from a freedom where you thought that this is all there is
The deity that was tasked to disturb
Will abandon you and let you disappear

With every round you’re at the bottom, on your knees
At their feet, begging
For forgiveness for all the sins they’ve committed
Thanks to the name of the Father, a nation of idiots

[WYP]
Worms crawling on the skin of the dead
Constantly sucking on unconscious lives
Leeches growing fat on the detritus of death
Just like Digong ngawing on the bones of our nation

Abusers! (Who among you will pay for this?)
Abusers! (Who among you will pay for this?)
Abusers! (Who among you will pay for this?)
Abusers! (Who among you will pay for this?)

[PROLET]
They benefited from the horror! Rooted in inequality and greed
No compassion, took away lives in exchange for money to be borrowed

They took everything, and still gained for it!
Did they really purge? It’s even dirtier!

Walking the streets
The sinners are exposed
Does hope persist?
Money rotting with maggots?

(Anyone!)
They can silence just about anyone

(Purge!)
Just peek through, wait quietly for the fruits
That we ourselves have allowed

Is it the church? In trust
They themselves are first to line up
Stretched out, unknown
They go to places that we don’t want to see

Narrowing the space
Bodies un-named, unknown
In the secrecy of the rich
In cahoots with those unaware

They took on the threats
Their faces covered
Emblazoned with fake news
While those who benefited from their deaths share the spoils from the families

So each of those members are considered the fruits
Led by example by the lies of the president
Government fascism is one big industry
The context and processes may change
But the objectives and tactics are the same

[WYP]
Abusers! (Who among you will pay for this?)
Abusers! (Who among you will pay for this?)
Abusers! (Who among you will pay for this?)
Abusers! (Who among you will pay for this?)

[INVICTUS]
It’s like a funeral in the movies
Because you want it to end
Color-streaked, bloated, no more life
Tear-tracks on cheeks, eyes devoid of light
Swollen now that
Those beloved are face-first in the grave

For how many are truly squabbling over spoils
Each contested hundred, each body on the street
Maybe it’s intentional, those waiting for the carrion
So what’s done by the vultures has been covered up

Too callous for it’s time to collect the bounty
The case will fall on paid-off institutions
Everything has changed and likely forced
A person who’s straight and true would not fight back

The pain of the bereaved is debilitating
What matters is to stop forgiving
They set free a few lucky ones
While those who had nothing to pay were killed

Loss destroys vibrant lives
No more desire for there is lack
Family left behind, buried in the grave
And to pay for the funeral, they’re now buried in debt

Too used to it
Too calm, shattered those disturbed
Blocked routes, they’ve peeled off a few companions
There are people dead, warned off from any concern they had left
Found corpses hit by stray bullets

Those rapacious who want to go first
Ready cash can be found on corpses
Crouch to the side, there are cops, there are trash
At the break of night, tears will fall

Your leader is responsible and he’s confused
Never learned how to be afraid, thought this acceptable
Wombs on the floor like loose change
It won’t drip or fall until the regime collapses