[Newscaster]
Sa nagbabagang balita:
Umabot sa 81 katao ang patay sa loob ng apat na araw nang dahil sa ‘One-time-Big-time’ operations ng pulisya sa Metro Manila. Magkakasabay na operasyon sa ilalim ng Oplan Tokhang ang isinagawa sa Quezon City, Bulacan, Manila, at Caloocan. Mula sa Sitio Gitanang-Araw, isa sa mga apektadong komunidad, narito si BLKD, nag-uulat
[BLKD]
Halos tatlumpung libo, halos tatlumpung libo
Mga bangkay na bunga ng kontra-drogang pasismo
Putak ehekutibo ay putok sa mga sitio
Pangako kilo-kilo, tinitira piso-piso
Lampas-limang libo, lampas limang libo dito mula
Sa mga opisyal na operasyong parang dula
Higit dalawampu’t tatlong libo naman
Mga bangkay na pagkamatay iniimbestigahan
Ano pa man ang kategorya, magaling man ang maniobra
May simpleng katotohanang dapat tumatak sa memorya
Ang halaga ng buhay walang sukatan
At anumang hindi masukat hindi matutumbasan
Karamihan sa kanila mga breadwinner pa
Naiwang mag-anak delubyo ang iniinda
Maraming nagkawatak-watak, mga anak walang patnubay
Kaya ‘di lang mga pinatay inagawan ng buhay
Ilang dam, ilang dam, ilang dam ba ng dugo
Ang kailangan para droga sa bayan ay masugpo?
Ilan bang, ilan bang, ilan bang henerasyong
Pagdaramdam at poot ang susunog sa nasyon?
Tayo’y walang bilang sa mga hari-harian
Kaya ‘di mabilang-bilang mga pinag-iinitan
Mga pananagutan pa’no makakalkula
Kung isang bangkay pa lang, ‘di ba’t dapat sobra na?
Halos tatlumpung libo, halos tatlumpung libo
Mga bangkay na bunga ng kontra-drogang pasismo
Putak ehekutibo ay putok sa mga sitio
Pangako kilo-kilo, tinitira piso-piso
Ano pa man ang kategorya, magaling man ang maniobra
May simpleng katotohanang dapat tumatak sa memorya
Ang halaga ng buhay walang sukatan
At anumang hindi masukat hindi matutumbasan
Pa’no masusuma ang kalabisan?
Pa’no masusuma ang kabawasan?
Pa’no masusuma ang karahasan?
Pa’no masusuma ang pasan-pasan?
--------------ENGLISH TRANSLATION--------------
[Newscaster]
Breaking news:
At least 81 people were killed in four days from police ‘One-time-Big-Time’ operations of in Metro Manila. Simultaneous operations under Oplan Tokhang were carried out in Quezon City, Bulacan, Manila, and Caloocan. From Sitio Gitnang-Araw, one of the affected communities, here is BLKD, reporting
[BLKD]
Almost thirty thousand, almost thirty thousand
Corpses are the product of the the anti-drug policy fascism
Executive bullshit equals bursts of gunfire in the communities
They promised they’d seize kilos, they kill for mere coins
More than five thousand, more than five thousand dead
That’s what they say, the officials of this theatrical operation
While more than twenty-three thousand murders more
Are being investigated
The labels don’t matter, the manipulations don’t matter
There is a simple truth we must keep in our minds
That there is no measuring the value of a life
And whatever is immeasurable cannot be replaced
Most of the victims are breadwinners of their families
Children left behind are struggling in the deluge
Families torn apart, children without guardians
So it’s not only the murdered who lost their lives
How many dams, how many dams, how many dams of blood
Do we need before the country’s drug problem is defeated?
How many, how many, how many generations’
Pain and bitterness will burn this nation?
We don’t count in the minds of the ruling class
That’s why the hunted are immeasurable
How can you calculate accountability
When even just one dead body is too much?
Almost thirty thousand, almost thirty thousand
Corpses are the product of the anti-drug policy fascism
Executive bullshit equals bursts of gunfire in the communities
They promised they’d seize kilos, they kill for mere coins
The labels don’t matter, the manipulations don’t matter
There is a simple truth we must keep in our minds
That there is no measuring the value of a life
And whatever is unmeasurable cannot be replaced
How do you reckon excess?
How do you reckon loss?
How do you reckon violence?
How do you reckon burdens?