[Verse 1: Zel Bautista]
Wala na bang maramdaman?
Binibigkas ng 'yong matang walang tinitignan
Kung pwede lamang balikan
Paulit-ulit kong pagbibigyan ang aking
Pusong 'di makahinga, sa lalim ng luha't kaba
Hindi ko pilit na naising makapiling ka
Sa bawat pintig ng dibdib ay may tanong
[Chorus: Zel Bautista]
Kung tayong muli ay magkikita sa kanlungan ng kawalan
Asahang hindi ako lilisan kung bumuhos man ang ulan
Handa na ang puso kong malunod na sa piling mo
Muli ring aahon at magbabalik sa'yo
[Verse 2: Morissette, Zel Bautista, Morissette & Zel Bautista]
Mm
Hindi na matatakot (Wala na bang maramdaman?)
Pumipiglas sa lilim ng aking mundo (Kung pwede lamang balikan)
Maubos man ang pangako (Muling pagbibigyan)
Hindi mapipigilan ang pag-ibig ko
Dahil minsan nang naging hadlang itong nakaraan (Ako ang dahilan)
Hindi ko na lubos maisip na mawalay pa
Sa'yong daigdig ang tahanan ko ngayon
[Chorus: Morissette]
Kung tayong muli ay magkikita sa kanlungan ng kawalan
Asahang hindi ako lilisan kung bumuhos man ang ulan
Handa na ang puso kong malunod na sa piling mo
Muli ring aahon at magbabalik sa'yo
[Bridge: Morissette, Zel Bautista, Morissette & Zel Bautista]
Kung langit man ay magsara
At kung bumhos man ay hindi ko pipigilan ang bagyo
[Chorus: Morissette & Zel Bautista, Zel Bautista]
Kung tayong muli ay magkikita sa kanlungan ng kawalan
Asahang hindi ako lilisan kung bumuhos man ang ulan
Handa na ang puso kong malunod na sa piling mo
Muli ring aahon at magbabalik sa'yo
Kung tayong muli ay magkikita sa kanlungan ng kawalan
Asahang hindi ako lilisan kung bumuhos man ang ulan
Handa na ang puso kong malunod na sa piling mo
Muli ring aahon
Muli ring aahon
Muli ring aahon at magbabalik sa'yo