Khel Pangilinan
Pare Mahal Mo Raw Ako
[Verse 1]
Pare, mahal mo raw ako
'Yan ang sabi mo raw
Nang minsan ay malasing tayo
Hindi kita sinisisi, galit ay wala ako
Pare, pag-usapan natin 'to

[Verse 2]
Pare, ako raw ang 'yong gusto
'Yan ba ang lihim na sa aki'y sasabihin mo
Hindi ako iiwas, 'di lalayo sa'yo
Pare, pag-usapan natin 'to

[Chorus]
Wala namang mababago sa pagtingin ko sa iyo
Pero kaibigan lang ang pwede kong i-alay sa iyo
At kung higit pa ro'n pasensya na 'di ko makakaya
Pare, kaibigan lang kita

[Verse 3]
Pare, nandito lang ako
Nangangako sa'yo gano'n pa rin, ikaw, ako
Hindi ako iiwas, 'di lalayo sa'yo
Pare, kaibigan pa rin ako

[Chorus]
Wala namang mababago sa pagtingin ko sa iyo
Pero kaibigan lang ang pwede kong i-alay sa iyo
At kung higit pa ro'n pasensya na 'di ko makakaya
Pare, kaibigan lang kita
[Bridge]
Hindi maiilang, lagi mong tatandaan
Kaibigan mo ako kailanpaman

[Chorus]
Wala namang mababago sa pagtingin ko sa iyo
Pero kaibigan lang ang pwede kong i-alay sa iyo
At kung higit pa ro'n pasensya na 'di ko makakaya
Pare, kaibigan lang kita

[Outro]
Pare, kaibigan lang kita