Iñigo Pascual
Hagdan
Araw-araw ay kabaliktaran ang swerte
Mukha lang inosente pero pwede mag rebelde
Ginagawa kong kapre ang bawat mga dwende
Kung minsan ang kulay pulay ginagawa kong berde
Nakasagutan ko si nanay
Si utol nakaaway
Hindi na ko umuuwi ng bahay
Nagpunta sa kapitbahay
Nakitulog, nakitambay
Naki-uso, nakibagay
Naki-usok, nakitagay
Pinakain ko ng damo ang pulang kabayo
Paulit-ulit lang umaasang may magbabago
Binusog ko lang lalo ang ari kong pagkatao
Pagnagtalo yung dalawang aso, yung mabuti yung talo
Napalayo sa riyalidad
Naglalakad ako ngunit akala ko ako'y lumilipad
Naging tamang hinala
Panay maling akala
Hinahabol ko ang tama
At mukhang mali na ata

Gusto kong maglayag
Gusto kong mga pangarap ko, mangyari agad
Gusto kong lumangoy
Gusto kong lumipad
Pakiramdam ko kaya kong gawin ang lahat
Teka, wag kang magmadali
Dahan-dahan lang (dahan-dahan lang)
Tayo ay para lang humahakbang paakyat ng hagdan
Gusto kong maglayag
Gusto kong mga pangarap ko, mangyari agad
Gusto kong lumangoy
Gusto kong lumipad
Pakiramdam ko kaya kong gawin ang lahat
Teka, wag kang magmadali
Dahan-dahan lang (dahan-dahan lang)
Tayo ay para lang humahakbang paakyat ng hagdan

May araw na malas, may araw ring swerte
Tanggap ko nang pula'y hindi pwede maging berde
Hindi madali pero posible
Kung ang lahat ng bagay ay gagawin kong simple
May mga taong inilagay para ako'y itumba
Isang kalabit nalang at ako'y puputok na
Ganto ata talaga kapag ang puno ay mabunga
Binabato-bato ng may mahulog at makuha
Sa aking kahinaan ay naging malakas
Lalo akong tumingin paloob imbis palabas
Isinapuso ko di ako masyadong nag-isip
Ng kung ano-ano lalo ko lang niyakap ang inip
At ako ay nagpasakop sa programa
Sa tulong ng aking mga bagong kasama
Ako ay nakabangon sa kama
Muli kong nasilayan ang isang bagong umaga
Gusto kong maglayag
Gusto kong mga pangarap ko, mangyari agad
Gusto kong lumangoy
Gusto kong lumipad
Pakiramdam ko kaya kong gawin ang lahat
Teka, wag kang magmadali
Dahan-dahan lang (dahan-dahan lang)
Tayo ay para lang humahakbang paakyat ng hagdan

Gusto kong maglayag
Gusto kong mga pangarap ko, mangyari agad
Gusto kong lumangoy
Gusto kong lumipad
Pakiramdam ko kaya kong gawin ang lahat
Teka, wag kang magmadali
Dahan-dahan lang (dahan-dahan lang)
Tayo ay para lang humahakbang paakyat ng hagdan