Michael V
Pasko, Paksiw
[Intro: Ogie Alcasid, Michael V.]
Manolo!
Ano?
Eh sinong bespren mo sa Christmas?
Ayy siyempre ikaw lang
Sinong kainin mo sa Christmas?
Ayy siyempre ikaw la-ang
Nyeee!

[Verse 1: Ogie, Michael V.]
'Ala'y malapit na ang Krismas
Ano bang handa natin?
Pera'y ubos, barya'y kapos
Sa laot ay walang huli
Malapit na ang Krismas
Ano ang gagawin?
Upang sa noche buena
Mayro'ng kakainin

[Verse 2: Ogie, Ogie & Michael V.]
Ganito na lagi tuwing Pasko
Lagi nang nauubos ang aginaldo
Malapit na ang Krismas
Ano bang handa natin?
Pera'y ubos, barya'y kapos
Sa laot ay walang huli
Malapit na ang Krismas
Mabuti't may lechon
Naitago ni Tatay
Noong isang taon
[Verse 3: Ogie, Michael V.]
Bumili ng suka
Sarsa't bawang
Paghahalu-haluin
Mayro'n nang Pasko
Hindi Pasko, Paskiw
'Ala'y hindi Pasko, Pakso

[Verse 4: Ogie, Michael V., Ogie & Michael V., *[?]*]
Magandang good evening
Sa inyo, Aleng Tale
Pasko na naman
Ganda niyo naman
Andito na naman kami
*Alam ko na kung bakit
Mangungutang kayo!*
Pairalin niyo ang spirit
Ang spirit ng paksiw!
Pasko!
*Ano ba'ng kailangan niyo?*
Suka, bawang, sarsa
'Pagkat magpapasko
Paksiw!

[Verse 5: Ogie, Michael V., Ogie & Michael V., *?*]
Ang sarap ng feeling
Kapag ganitong Pasko
Nag-aawitan, nagmamahalan
Kasama mo ang bespren mo
'Yan talaga ang diwa, ang diwa ng Pasko
Kahit walang kakanin ay okay lang ako
Ang salita mo'y nagkatotoo
Ang niluto natin
Kinain ng aso
[Verse 6: Ogie, Michael V., Ogie & Michael V.]
Ala, naku, Manolo
Bakit nagkaganito?
Ang niluto ko na inihanda mo
Kinain ng aso
'Wag ka nang malungkot
O, bespren kong Pitoy
Basta't magkasama tayo
Sa araw ng Pasko
Pero masarap din sigurong
Magpaksiw ng aso
Chibugan at kantahan
Maligayang Paksiw!

[Outro: Ogie, Michael V.]
Ayy mali, pakso pala 'yon
Ayy hindi, paskiw