Michael V
Malungkot
[Verse]
Nawala na ang ngiti sa'king mga labi
Palagi nang sawi at palagi nang mali
Ang lahat sa buhay ko, kaya nagkagan'to
Ako'y gulong-gulo, at ako'y litong-lito

[Pre-Chorus]
Parang ayoko nang mabuhay sa mundo
Bakit sa'kin nangyari 'to?
Wala akong karamay, kaya naman ako ay

[Chorus]
Malungkot, hu-hu-hu-hu
Malungkot, hu-hu-hu
Malungkot, hu-hu-hu-hu
Malungkot, hu-hu-hu

[Verse 2]
Ang dati kong girlfriend, nahulog sa bangin
Nawasak ang ngipin, nasagasaan pa ng tren
Patay na ang pusa ko, kinain ng aso ko
Patay na ang aso ko, siya naman ang kinain ko, woah

[Pre-Chorus]
Ngayo'y nag-iisa, wala nang kasama
Bakit sa'kin nangyari 'to?
Walang kabuhay-buhay, kaya naman ako ay
[Chorus]
Malungkot, hu-hu-hu-hu
Malungkot, hu-hu-hu
Malungkot, hu-hu-hu-hu
Malungkot, hu-hu-hu

[Verse 3]
Wala kaming tubig, wala ring kuryente
Gusto ko ng ice cream, pero wala 'kong pambili
Wala 'kong trabaho, pustiso'ng ngipin ko
Nakagat ko'ng dila ko, may patay akong kuko

[Pre-Chorus]
Parang ayoko nang mabuhay sa mundo
Bakit sa'kin nangyari 'to? Oh-woah
Wala akong karamay, kaya naman ako ay

[Chorus]
Malungkot, hu-hu-hu-hu
Malungkot, hu-hu-hu
Malungkot, hu-hu-hu-hu
Malungkot, hu-hu-hu
Malungkot, hu-hu-hu-hu
Malungkot, hu-hu-hu
Malungkot, hu-hu-hu-hu
Malungkot, hu-hu-hu