[Dialogue: Bitoy, Bitong]
Bitong, nakakatakot naman dito, ano ba ito?
Parang ano yata 'tong napasukan natin, eh
Ito yata 'yung ano, ah, haunted house
Hmm, haunted house, hindi haunted house 'to, bobo
Eh, ano ito?
Eh, wanted house
'Lika, tumingin-tingin tayo, oh
Oo, maglibot-libot tayo, ha?
Sige
D'yan ka, dito 'ko, ah?
Bitong, Bitong
Oh, oh?
Tignan mo, oh, oh, oh
Ano 'yan?
May nakita 'ko, oh
Oo nga, ano 'yan?
Ewan ko, ano kaya 'to?
Ano lang 'yan, baul
Teka, buksan natin
Sige
Hoy, hoy, tignan mo, oh
Kunin mo, kunin mo
Eto, oh, 'di ba baril 'to?
Oo, 'yan 'yung tinatawag na shot gun
Shot gun?
Oo
Ano kaya 'to? May, may bala kaya 'to?
Eh, kung gusto mo malaman, isa lang dapat mong gawin
Papa'no?
Kakalabitin mo lang ito, oh
Ah, ah-ha-ha
Ay, ay, naku! Pumutok! Sorry, ah
Bitong, may tama ako
Oo nga
Ang laki ng butas ng tiyan ko, oh, dumudugo
Ang daming dugo
Bitong, tulungan mo 'ko
Ano'ng gagawin ko?
Ah, ah, kumuha ka ng ano, ng pantapal dito
Anong pantapal?
Takpan mo 'yung sugat ng tiyan ko
Kumuha ka ng tape, kumuha ka ng tape
Oh, sige, sandali, ah?
Dalian mo
Bitoy, nakakita na 'kong tape
Oh, sige, sige, lagay mo na 'yang tape dito sa sugat ko
Sige, eto, ah
Aray, aray, masakit! Bitong, bakit, ba't masakit 'yan?
Ano bang tape 'yang nilagay mo sa tiyan ko?
Tape ni Michael V.
'Wag kang kabahan, 'Toy, shh, shh
Nakakahiya ka, huminahon ka (Na-na, na-na-na, na-na-na)
Ano 'yon?
Ewan ko, tumunog no'ng ginawa ko 'to sa'yo, eh
(Na-na-na-na, na-na-na)
Pa'no kaya magtutuloy-tuloy 'yung tunog na 'yun?
Ewan ko
Ah, alam ko na
Ano?
Eto sa 'yo
Uh