[Verse 1]
Tondo, lugar ng matatapang
May isang tao na iginagalang
Valentin Zapanta ang kanyang pangalan
Alyas Ninong sa karamihan
Kinatatakutan siya't iniiwasan
Iniilagan ng mga istambay
Respetado ng mga tao
Ninong, Ninong ang pangalan
Dito sa kanyang teritoryo
'Wag na 'wag na 'wag kang aabuso
Si Ninong, siya ang iyong makakalaban
'Di ka na sisikatan ng araw
Mandurugas at mga manloloko
Mga adik, may topak sa ulo
Mga tao na halang ang bituka
Ang araw niyo ay bilang na
[Chorus]
(May kaguluhan sa lansangan)
Tawagin si Ninong
(Kagabi ay mayro'ng napagnakawan)
Isumbong kay Ninong
(Kanina lamang, may napaslang)
Ipaalam kay Ninong
(Sabihin kay Ninong)
[Verse 2]
Lasinggero, uminom ka nang tahimik
At pagkatapos manahimik
Holdaper, 'wag ka ritong magtrabaho
Baka ikaw ay mapasubo
Drug addict, kung ayaw mong tumigil
Lumipad ka sa malayo
Kapag si Ninong ang inyong sinubukan
Sa impiyerno kayo maghahapunan
[Chorus]
(May kaguluhan sa lansangan)
Tawagin si Ninong
(Kagabi ay mayro'ng napagnakawan)
Isumbong kay Ninong
(Kanina lamang, may napaslang)
Ipaalam kay Ninong
(Sabihin kay Ninong)
[Verse 3]
Sa mga manloloko
Iba kung siya ay magalit
At sa mga naaapi
Siya naman ay sobrang bait
Sa mga ambisyoso
Na ibig umagaw ng kanyang trono
Mga balang umuusok
'Yan ang kanyang regalo
Sa Tondo, si Ninong ang hari dito (Alyas Ninong)
Tondo, ito ang kanyang teritoryo (Ninong)
Valentin Zapanta, 'yan ang kanyang pangalan (Alyas Ninong)
Ninong, bukambibig ng karamihan (Alyas Ninong)
[Chorus]
(May kaguluhan sa lansangan)
Tawagin si Ninong
(Kagabi ay mayro'ng napagnakawan)
Isumbong kay Ninong
(Kanina lamang, may napaslang)
Ipaalam kay Ninong
(Sabihin kay Ninong)
[Chorus]
(Alyas Ninong)
May kaguluhan sa lansangan
(Alyas Ninong)
Kagabi ay mayro'ng napagnakawan
(Alyas Ninong)
Kanina lamang, may napaslang
(Alyas Ninong)
Sabihin kay Ninong
(Alyas Ninong)
[Chorus]
(May kaguluhan sa lansangan)
Tawagin si Ninong
(Kagabi ay mayro'ng napagnakawan)
Isumbong kay Ninong
(Kanina lamang, may napaslang)
Ipaalam kay Ninong
(Sabihin kay Ninong)