Michael V
Gusto Ko Nang Bumigay
[Verse 1]
Umiindak sa tabi-tabi
Baka lang mayro'ng makarinig
'Pag mayro'ng rampahan sa tindahan
Sana naman maka-awra lang
Pa'no ba? Eto na
Muntikan nang mahuli ng asawa pero 'di nadala
Tinry ko pang umapela
[Pre-Chorus]
Hindi talaga 'ko "kalalakihan"
Papa'no sasabihin 'to? Nahihiya ako sa 'yo
Ngayong 50 na ako
Parang hindi na makapaghintay
Ang gusto ko rumampa magdamagan na iba-iba'ng suot
Iba-iba'ng damit
[Chorus]
"Gusto ko nang bumigay"
'Yan lang ang sigaw ng puso
Gusto ko nang bumigay
Pero too late na siguro
Tagal ko nang pinigil pero lalo lang nanggigil
Kailan ba ako puwedeng bumitaw?
Gusto ko nang bumigay-ay-ay
[Verse 2]
Pinagbawalan ng mga magulang ko
Ilang taon na ba 'kong ganito?
No'ng nagduda ang tatay ko, sa drum nilunod nya ako
Sirena na ako
May aawat pa ba?
Eh, wala naman akong pake kung totoo ang kutob
Parang mas gusto ko na sa likod
[Chorus]
"Gusto ko nang bumigay"
'Yan lang ang sigaw ng puso
Gusto ko nang bumigay
Pero too late na siguro
Tagal ko nang pinigil pero lalo lang nanggigil
Kailan ba ako puwedeng bumitaw?
Gusto ko nang bumigay-ay-ay
Gusto ko nang bumigay-ay-ay
[Bridge]
Magba-volleyball, umii-spike habang kinikilig (Ah)
Nagmamaganda sa pupuntahan
Ganiyan lang, 'yan naman ang hilig
'Wag nga kayo!
Sinasabi niyo pa na ako ay kadiri
Bawal bang magkamali?
Hindi naman nagpabaya
Kung gusto kong magpabaya, mas madali
Yeah...
Hah...
[Chorus]
"Gusto ko nang bumigay"
'Yan lang ang sigaw ng puso (Ah-ah)
Gusto ko nang bumigay
Pero too late na siguro
Tagal ko nang pinigil pero lalo lang nanggigil
Kailan ba ako puwedeng bumitaw?
Gusto ko nang bumigay-ay-ay
Gusto ko nang bumigay-ay-ay
Gusto ko nang bumigay, bumigay, bigay
Gusto ko nang bumigay, Diyos ko, 'day
[Outro]
Pagbibigyan ko na ang sarili
Bibigay, bibigay na