Michael V
Uh-Oh
[Verse 1]
Kung walang kalan, maiisip mo bang
"Makapagsaing nga, nagugutom ako"?
Kung walang kalan hanggang sa gabi
Magsasawa ka sa delivery

[Refrain]
Nagtalop, nagbalat, maggigisa ng bawang
Paglingon, ba't gano'n? Ako'y walang makitang
Lutuan, saingan, prituhan; pa'no nga 'yan?
Kaya kong lutuin 'yan kung meron lang kalan
Kaya kong lutuin 'yan kung meron lang kalan

[Verse 2]
Ano bang malas 'yan?
Nasa kawali na ang sisig at laman
Kung meron lang kalan, 'di, luto na sana 'yon
Sa'n ko ipiprito? 'Di ba, walang apoy?
'Wag nga kayo

[Pre-Chorus]
Ibilad lang sa araw, subukan mo kaya
Iitim at babaho ang puto't kutsinta
Sa'n ko na isasalang, nilagang banana?
Subukan mong 'bilad sa araw, an' tagal
Oh-oh, oh, oh
[Chorus]
Kung walang kalan, saan pakukuluan ang baka?
Kung pwede lang, kailangan ko kalan
Mura lang naman, kahit 'yung hulugan
Siguro, 'di naman aabot nang buwan-buwan
Hindi naman kamahalan ang brand new na kalan
Kung meron lang kalan

[Verse 3]
Pa'no tayo makakabenta n'yan?
Ang dami pa naman nating pakukuluan
Baka, manok, isda, utak, buto, laman
Sige, magprito ka, wala namang kalan
Nagpapauso na naman

[Pre-Chorus]
Uling at palayok, ako'y nauubo
Sa batong may abo at lintik pang umusok
Sayang at 'di ko naluto ang kanin at tinola
Kung walang kalan, bakit 'yung nagdaraan na kariton?
Tindero ng mais sa may tapat ng bahay ko

[Chorus]
Kung walang kalan, saan pakukuluan ang baka?
Kung pwede lang, kailangan ko kalan
Mura lang naman, kahit 'yung hulugan
Siguro, 'di naman aabot nang buwan-buwan
Hindi naman kamahalan ang brand new na kalan, oh-woah-oh
[Outro]
Hay, nako
'Yan ang pag-ipunan n'yo
Kung walang kalan, 'wag nang mag-restaurant