Michael V
DJ Bumbay
[Intro]
Oh, yeah
Here we go
Ahoy, ahay, mga manoy, mga manay
Ako'ng inyong lingkod, Didjay Vijay
Nandito 'ko para maghanap-buhay
At your service, DJ Bumbay
Pumili na kayo, maganda na mura pa
Ito ang aking mga paninda
Medyo may konting mga diperensya
Pero lahat original, hindi pirata

[Verse 1]
Meron akong banig, kasya ang sampu
Wala lang hihiga, lahat nakatayo
Gusto mo plantsa para sa damit?
Pero yung handle ang umiinit
Kung naiinitan, mag-electric fan
Ang umiikot ay 'yung katawan
Porselanang arinola galing Pakistan
May factory defect, sa loob ang hawakan
Break it down, oh, yeah, alright

[Verse 2]
Meron akong kalan na gawa sa Japan
Lumalabas ang apoy doon sa pihitan
Kaha-de-yero para 'di manakawan
Pero hanggang ngayon hindi ko pa mabuksan
Bagong cellphone, tatak Nokia
Motolite ang tatak ng baterya n'ya
May TV rin ako, mura lang, brand new
Kaya lang ang screen, merong grado
[Verse 3]
Halika na kayo, 'wag kayong mahiya
Umiikot ako buong Maynila
Minsan naglalakad, minsan nakamotor
Four gives, five-six, libre door-to-door
I'm your friendly neighborhood hulugan
Didjay Vijay 'wag nyong katakutan
Come on every all, come on every one
Sumabay sa tugtog, DJ, break it down
Oh, yeah, break it down, alright

[Verse 4]
Ahoy, ahay, mga manoy, mga manay
Muling nagbabalik, Didjay Vijay
Ako ang traveling ukay-ukay
At your service, DJ Bumbay
Maraming bago, marami 'kong dala
Galing Amerika at buong Asia
Medyo may konting mga diperensya
Pero lahat original, hindi pirata

[Verse 5]
Meron akong Rolex, uy, bagay
Maraming diamond, isa lang ang kamay
Brand new, flat screen, colored TV
Ang kulay ng palabas, itim at puti
May rubber shoes ako, tatak Adidas
May factory defect, sa loob ang sintas
Kailangan mo ng shoes, pan-terno sa barong?
Meron akong boots, sa harap ang takong
[Verse 6]
Kung ang business mo ay construction
Mura lang, kuha na, de-pedal na pison
Masakit ang mata, pagod maghapon?
Meron akong eye drop na roll-on
Bili na ng kutsikyo, made in Japan
Ay, napakatalim lalo na yung hawakan
Gintong wall clock galing Switzerland
Pero baliktad, sa harap ang sabitan

[Verse 7]
Next time pagbalik ko, I will bring a lot more
Four gives, five-six, libre door-to-door
Pwede utang, 'wag nyong kalimutan
Basta't wag nyo lang akong tatakbuhan
Kaya pag nakita nyo ako say, "Hi"
Ako'ng inyong lingkod, Didjay Vidjay
But you can call me DJ Bumbay
Nagpapaalam, so long, goodbye

[Outro]
Ba-bye
Chori, chori, adja, adja
Chori, chori, adja, adja
Chori, chori
Chori, chori, adja, adja
Chori, adja
Break it down