[Verse 1]
Wala sa isip ko na ito'y gagawin mo
Pagmamahal sa isa't isa'y iyong paglaruan
'Di ko akalaing ako'y pagtaksilan
Ng abang puso mong langit kong minahal
[Chorus]
Taksil ka man sa sumpa mo
Kailangan kita sa piling ko
Kailangan ko'y pag-ibig mo
Kailangan kita sa buhay ko
Taksil ka man sa sumpa mo
Kailangan kita sa piling ko
Kailangan ko'y pag-ibig mo
Kailangan kita sa buhay ko
[Verse 2]
Ako ba'y nagkasala, sa 'yo ba'y nagkulang
Kaligayahang dulot ko'y 'di mo ba nakamtan
'Di ka ba nanghinayang sa pusong nilayuan
Dinggin mo, mahal ko, ang damdaming nasaktan
[Chorus]
Taksil ka man sa sumpa mo
Kailangan kita sa piling ko
Kailangan ko'y pag-ibig mo
Kailangan kita sa buhay ko
Taksil ka man sa sumpa mo
Kailangan kita sa piling ko
Kailangan ko'y pag-ibig mo
Kailangan kita sa buhay ko
[Outro]
Taksil ka man sa sumpa mo
Kailangan kita sa piling ko