Imelda Papin
Gintong Araw
[Verse 1]
Hindi ko na nasisilayan
Ang sikat ng araw
Hindi ko na namamasdan pa
Ang ganda ng buwan

[Verse 2]
Nasa iba ang 'yong pag-ibig
Na dati'y sa akin lamang
Ibalik mo ang init ng suyuan
At pagmamahalan

[Verse 3]
Magbuhat nang lumamig
Ang init ng 'yong pag-ibig
'Pagkat ikaw ang tanging
Ligaya niyaring buhay

[Chorus]
Pababayaan mo kayang masayang na lang
Mga gintong araw natin na nagdaan
May halaga pa ba sa atin ang pag-ibig
Kung puso at gabi'y magsinglamig
Pababayaan mo kayang masayang na lang
Mga gintong araw natin na nagdaan
May halaga pa ba sa atin ang pag-ibig
Kung puso at gabi'y magsinglamig
[Verse 4]
Nasaan ba ang 'yong pangako?
Na ika'y 'di magbabago
Bakit nga ba hindi mo masabi
Na mahal mo pa rin ako?

[Verse 5]
Huwag kang mag-alinlangan
Pag-ibig ko sa iyo'y naghihintay
'Pagkat ikaw ang tanging
Ligaya niyaring buhay

[Chorus]
Pababayaan mo kayang masayang na lang
Mga gintong araw natin na nagdaan
May halaga pa ba sa atin ang pag-ibig
Kung puso at gabi'y magsinglamig
Pababayaan mo kayang masayang na lang
Mga gintong araw natin na nagdaan
May halaga pa ba sa atin ang pag-ibig
Kung puso at gabi'y magsinglamig

[Outro]
Pababayaan mo kayang masayang na lang
Mga gintong araw natin na nagdaan
May halaga pa ba sa atin ang pag-ibig
Kung puso at gabi'y magsinglamig