[Verse 1]
Iiwanan mo na ba ako ngayon?
Kailangan bang magkagayon?
Katanungan sa puso ay naroon
[Pre-Chorus]
Marahil ay 'di mo maramdaman, 'di mo alam
Ang 'yong pagmamahal ang tanging buhay ko't yaman
[Chorus]
Dapat kayang dito na lamang magwakas?
At ang lahat-lahat ng bagay sa 'tin ay matapos nang ganap
Sabihin mo sa 'kin kung dapat kayang ikaw sa akin lumayo
Paano ako? Sabihin mo, sabihin mo
[Verse 2]
Alaalang kay tamis at kay ganda
Mga araw nating kay saya
Maaaring malimutan pa kaya?
[Pre-Chorus]
Init ng gunitang kay hirap nang malimutan
Wala na bang saysay pag-ibig mo sa 'king buhay?
[Chorus]
Dapat kayang dito na lamang magwakas?
At ang lahat-lahat ng bagay sa 'tin ay matapos nang ganap
Sabihin mo sa 'kin kung dapat kayang ikaw sa akin lumayo
Paano ako? Sabihin mo, sabihin mo