Imelda Papin
Mahal, Saan Ka Nanggaling Kagabi?
[Verse]
Mahal, saan ka nanggaling kagabi?
Mahal magdamag akong naghihintay
Mata ko'y 'di mapikit, diwa ko'y 'di maidlip
Dibdib ko ay may kaba, nasaan ka?
[Chorus]
Mahal, saan ka naroon kagabi?
'Di kaya ika'y may ibang katabi?
'Di kaya ika'y may ibang kayakap?
Magkadikit ang dibdib, magkalapat ang labi
[Pre-Chorus]
O, kay sakit, sabihin mong hindi totoo
Upang maibsan ang kaba sa 'king puso
[Chorus]
Sa buong magdamag, ako'y nag-aalala
Baka ikaw ay napahamak na, sinta
[Instrumental Bridge]
[Chorus]
Sa buong magdamag, ako'y nag-aalala
Baka ikaw ay napahamak na, sinta
[Outro]
Mahal saan ka nanggaling kagabi?
Saan?