Imelda Papin
Ang Tao Ba’y Sadyang Ganyan?
[Verse]
Parang hindi magwawakas
Ang ligayang nalalasap
Akala mo, sa 'yo itong mundo
Sa paglipad, taas ang ’yong noo
'Pagkat kay palad mo
[Chorus]
'Di nilingon ang ’yong pinagmulan
Nalimot na pati nakaraan
Bakit kaya ang tao ay ganyan?
Nalulunod 'pag nakamit ang tagumpay
Ang tao ba'y sadyang ganyan?
[Bridge]
Ngunit nang matapos ang ligayang nakamtan
Naisip mo ang Maykapal
Noon mo naalaala Diyos na may lalang
Bakit nga kaya ang tao ay ganyan?
[Verse]
Parang hindi magwawakas
Ang ligayang nalalasap
Akala mo, sa 'yo itong mundo
Sa paglipad, taas ang 'yong noo
'Pagkat kay palad mo
[Chorus]
'Di nilingon ang 'yong pinagmulan
Nalimot na pati nakaraan
Bakit kaya ang tao ay ganyan?
Nalulunod ’pag nakamit ang tagumpay
Ang tao ba’y sadyang ganyan?
[Outro]
Ang tao ba'y sadyang ganyan?