Janno Gibbs
Tuloy Na Tuloy Pa Rin Ang Pasko
[Verse 1]
O, bakit kaya tuwing Pasko ay dumarating na
Ang bawat isa'y para bang namomroblema?
'Di mo alam ang regalong ibibigay
Ngayong kay hirap na nitong ating buhay

[Verse 2]
Meron pa kayang karoling at noche buena
Kung tayo naman ay kapos at wala nang pera?
Nakakahiya kung muling pagtaguan mo
Ang 'yong mga inaanak sa araw ng Pasko

[Chorus]
Ngunit kahit na anong mangyari
Ang pag-ibig sana'y maghari
Sapat nang si Hesus ang kasama mo
Tuloy-tuloy pa rin ang Pasko

[Verse 3]
Mabuti pa nga ang Pasko noong isang taon
Sa ating hapag mayroong keso de bola't hamon
Baka sa gipit happy new year mapo-postpone (Mapo-postpone)
At ang hamon ay mauwi sa bagoong (Bagoong)

[Chorus]
Ngunit kahit na anong mangyari
Ang pag-ibig sana'y maghari
Sapat nang si Hesus ang kasama mo
Tuloy-tuloy pa rin ang Pasko
[Bridge]
Woah, ooh, ooh
Oh

[Chorus]
Ngunit kahit na anong mangyari
Ang pag-ibig sana'y maghari
Sapat nang si Hesus ang kasama mo
Tuloy-tuloy pa rin ang Pasko

[Outro]
Tuloy-tuloy, oh
Tuloy na tuloy
Tuloy-tuloy-tuloy
Tuloy na tuloy ang Pasko
Tuloy-tuloy-tuloy ang Pasko, oh
Tuloy-tuloy-tuloy
Tuloy ang Pasko