Apo Hiking Society
Alipin Ng Mundo
[Verse 1]
Ikaw ay nahahanap sa bawat sulok ng mundo
Pagkat ang mura lang ng bayad sa talino mo
Alila ng dayuhan at yaya ng kanyang anak
At kung minsan naman ika'y pulutan sa alak
[Verse 2]
Tinitiis mo ang lahat ng hirap at luha
Upang pamilya ay makaraos at guminhawa
Binabaliwala mo lamang ang sakit ng kalungkutan
Nagpapasalamat pa na may pinagkakakitaan
[Chorus]
Ikaw ba'y alipin ng mundo
Naiiba sa lahi mo
Ulila sa pinanggalingan, alipin sa pinuntahan
Kaibigan paano ka nagkaganito?
[Verse 3]
Ikaw ay nasa pook maliban sa iyong bansa
At ang tingin nila sa 'yo ay napakababa
Pinagagawa sa 'yo ang mga ayaw nilang gawin
At 'pag natapos na'ng kontrata ika'y pauuwiin
[Verse 4]
Mahirap palang mabuhay na walang karapatan
Nakikisuyo lang sa bawat pangangailangan
Laging nag-iingat dahil wala ka sa iyong bansa
Walang mapuntahan kapag ikaw ay nasita
[Chorus]
Ikaw ba'y alipin ng mundo
Naiiba sa lahi mo
Ulila sa pinanggalingan, alipin sa pinuntahan
Kaibigan paano ka nagkaganito?
Ikaw ba'y alipin ng mundo
Naiiba sa lahi mo
Ulila sa pinanggalingan, alipin sa pinuntahan
Kaibigan paano ka nagkaganito?
[Skit]
Mga balita mula sa ibayong dagat
Sa Japan
Anim na Pilipinang dancers ang nagtago sa isang Katolikong simbahan
Dahil sa takot sa kanilang amo
Na 'di umano'y umabuso sa kanila
Ayon sa kanila
Ang amo nila ay miyembro ng kinatatakutang yakuza gang
Nananawagan sila sa mga Pilipinong awtoridad
Na sana'y matulungan sila nang madalian
Sa Saudi Arabia naman
Dalawang kababayan natin na naaresto
Habang sila'y nag-iinuman sa kanilang kwarto
Sa Taif General Hospital
Ayon sa kanilang mga kaibigan
Nais lang ng dalawa na makalimot sa kanilang problemang kinahaharap
'Di umano, ang mga asawa nila sa Pilipinas ay sumama na sa iba
At dala ang kanilang mga naiwang sweldo
Napakasaklap naman ng kapalaran nila