Apo Hiking Society
Pito Ni Juan
[Verse 1]
Bata pa lang si Juan
Marami na siyang alam
Mahusay magbilang
Lamang sa paaralan
Sa maraming bagay
May kahusayan si Juan
Talagang mahusay si Juan

[Verse 2]
Pitong taong gulang pa lang
Marunong nang pumito si Juan
Pitong taong gulang pa lang
Mga babae'y pinipituhan

[Refrain]
Pipito-pito si Juan
Pipito-pito si Juan
Pipito-pito pipito-pito
Pipito-pito si Juan

[Verse 3]
Lumipas ang ilang taon
Lumawak ang karanasan
Matipuno at may dating
Si Juan naging crush ng bayan
Bawat natitipuhan siya'y pinapatulan
Basta't nasisipulan sila ni Juan
[Verse 4]
Labimpitong taong gulang
Makamandag ang pito ni Juan
Labimpitong taong gulang
Mga babae'y pinipituhan

[Refrain]
Pipito-pito si Juan
Pipito-pito si Juan
Pipito-pito pipito-pito
Pipito-pito si Juan

[Verse 5]
At nang malaunan
Nagkaroon ng anak si Juan
Pito ang isinilang
Sa bawat inang alam
Pito ang asawa
Na hindi man lang pinakasalan
Hindi talaga maawat si Juan

[Instrumental Break]

[Verse 6]
Pitong bahay ang inuuwian
Naubos ang pinaghirapan
Hiningal hinika si Juan
Pitong ipin na lang naiwan
[Refrain]
Humina ang pagpito ni Juan
Humina ang fagfito ni Juan
Fifito-fito fifito-fito
Fifito-fito si Juan

[Verse 7]
Pitungput-pitong taon
Pito-pito ang iniinom
Ngunit 'di makatulong
Sa tuhod ni lolo Juan
Pitong talampakan
Ang lalim ng libingan
At pitong sepulturero
Na walang pakialam

[Verse 8]
Yumao siyang nag-iisa
Iniwanan ng buong angkan
Naiwan lang ay pustiso
Sa basong kinalalagyan

[Refrain]
'Di na pumipito si Juan
'Di na makapito si Juan
'Di na pumipito 'di na makapito
'Di na pumipito si Juan