Apo Hiking Society
Kung Sino-Sino, Kung Saan-Saan
[Verse 1]
Hawak kong peryodiko
Na kung saan bawat tao
Makinilya lang ang halaga
Siyang tula ang sandata
Kung silang may tapang kumanta
Ang dating sinusumpa'y ginawa nang bida

[Verse 2]
Iniwan ang kapilya niya sa bundok
Siya ay nagtago na
Walang altar kung saan siya nagmisa
Nagsilabasan ang hantik
Pati bundok mukha'y inukit
Nagsayawan kami hanggang umaga

[Chorus]
Kung sino-sino, kung saan-saan
Kaaway, kaibigan
Kilala ko sa pangalan lang
Silang alamat, multo at anino
Bumubuo ng aking kasaysayan

[Verse 3]
Pati dagat pinatuyo
Ngunit nang templo'y gumuho
Kami'y napipi sa madugong ganda
Ngunit langit ay nagdilim
Nang kalapati'y paslangin
At sakali ang luha ay bumaha
[Verse 4]
Mula sa pula n'yang libro
Natuliro na lang si Pedro
Iniwan ang bukid at s'ya'y sumama
Sumabog ang entablado
Sinabayan ng delubyo
Binihag ang mga matatanda

[Chorus]
Kung sino-sino, kung saan-saan
Kaaway, kaibigan
Kilala ko sa pangalan lang
Silang alamat, multo at anino
Bumubuo ng aking kasaysayan

[Verse 5]
Pati ilaw sa gintong telon
Hinugis ng munting alon
Ngunit sabi ‘di 'yan ang totoo
May babaeng napaiyak
At luha nami'y pumatak
Tuyo na ang kamay ng babaeng pilato

[Verse 6]
Nagpainom si Pandora
Ngunit tumutol ang iba
Kaya naghikab na lamang ang demonyo
Sinimulan sa kandila
Liwanag n'ya'y nakagiba
Nag-alsabalutan ang tatlumpung balo
[Chorus]
Kung sino-sino, kung saan-saan
Kaaway, kaibigan
Kilala ko sa pangalan lang
Silang alamat, multo at anino
Bumubuo ng aking kasaysayan

[Verse 7]
Bumalik na si Gabriela
Hindi itak ang dala n'ya
Kundi ulan may sinag na dilaw
Nakita ko sa may pintuan
At siya'y napangiti lamang
Habang namulaklak ang bagong araw

[Verse 8]
Lahat sila'y nakatingin
Bitbit ng ibon ang sakitin
Nilunod ng sigaw ang aking awit
Pati sila'y sumayaw na rin
Sa sari-saring tugtugin
Ang awit palang ito'y likha namin

[Chorus]
Kung sino-sino, kung saan-saan
Kaaway, kaibigan
Kilala ko sa pangalan lang
Silang alamat, multo at anino
Bumubuo ng aking kasaysayan
[Chorus]
Kung sino-sino, kung saan-saan
Kaaway, kaibigan
Kilala ko sa pangalan lang
Silang alamat, multo at anino
Bumubuo ng aking kasaysayan

[Outro]
Bumubuo ng aking kasaysayan