Apo Hiking Society
Karaniwang Tao
[Verse 1]
Ako po'y karaniwang tao lamang
Kayod-kabayo, 'yan ang alam
Karaniwang hanap-buhay
Karaniwan ang problema
Pagkain, damit at tirahan
[Verse 2]
'Di ko kabisado 'yang siyensiya
Ako'y nalilito sa maraming salita
Alam ko lang na 'tong planeta'y
Walang kapalit at dapat ingatan
Kapag nasira, sino ang kawawa
[Chorus]
Karaniwang tao, saan ka tatakbo
Kapag nawasak iisang mundo
Karaniwang tao, anong magagawa
Upang bantayan ang kalikasan
[Verse 3]
Karaniwang bagay ay 'di pansin
Kapag naipon ay nagiging suliranin
Kaunting basura ngayo'y bundok
Kotseng sira ay umuusok
Sabong panlaba'y pumapatay sa ilog
[Verse 4]
May lason na galing sa industriya
Ibinubuga ng mga pabrika
Ngunit 'di lamang higante
Ang nagkakalat ng dumi
May kinalaman din ang tulad natin
[Chorus]
Karaniwang tao, saan ka tatakbo
Kapag nawasak iisang mundo
Karaniwang tao, anong magagawa
Upang bantayan ang kalikasan
[Post-Chorus]
Karaniwang tao
Karaniwang tao
Karaniwang tao
Karaniwang tao
[Chorus]
Karaniwang tao, saan ka tatakbo
Kapag nawasak iisang mundo
Karaniwang tao, anong magagawa
Upang bantayan ang kalikasan
[Outro]
Karaniwang tao