Silent Sanctuary
Sagad

[Verse 1]
OA sa lalim
Manibughong damdamin
'Di ko masabi sa kanya
Oh sige, mag-alak na
Sulit bang magkasala?
Oh kaututang dila
Pa'no ba mapapasa'kin ang pag-ibig niya?

[Chorus]
Sagad sa buto at laman
'Di ba mapagbigyan lahat ng nais ko?
Sana ako na lang sa 'yo
Sagad sa lungkot at kaba
Sa tuwing nakikita kang kapiling mo na siya
Masaya

[Verse 2]
Wala sa kalingkingan
Inyong pinagsamahan
Sino ba naman ako sa 'yo?
Pundidong tala lang ako
Tuloy-tuloy lang ang tagay
Kampay sa pusong may lamay
Ayaw kong malimutan ka
Ang pag-ibig ko'y
[Chorus]
Sagad sa buto at laman
'Di ba mapagbigyan lahat ng nais ko?
Sana ako na lang sa 'yo
Sagad sa lungkot at kaba
Sa tuwing nakikita kang kapiling mo na siya
Masaya

[Instrumental Break]

[Bridge]
Wala sa kalingkingan
Inyong pinagsamahan
Sino ba naman ako sa 'yo?
Pundidong tala lang ako
Tuloy-tuloy lang ang tagay
Hanggang lisanin ng malay
Ayaw kong malimutan ka
Ang pag-ibig ko'y

[Chorus]
Sagad sa buto at laman
'Di ba mapagbigyan lahat ng nais ko?
Sana ako na lang sa 'yo
Sagad sa lungkot at kaba
Sa tuwing nakikita kang kapiling mo na siya
Masaya