[Verse 1]
Sa gitna ng dilim, si Kaka'y nangangapa
Nagpumilit makakuha, posporo at kandila
Sa kasamaang palad ay iba ang nakapa
Malambot, mamasa-masa, malagkit at malata, eh
[Verse 2]
Sumibat siya pa-kusina, maghuhugas ng kamay niya
Walang tubig sa gripo, kaya't sa banyo dumiretso
Eh, minalas nga naman, natapakan ang sabon
Si Kaka ay nadulas, puwit nya ay nagasgas
[Chorus]
Eh kasi, walang kuryente
Brownout, walang kuryente
Wala, wala, walang kuryente
Wala, walang kuryente
Kasi walang kuryente
Brownout, walang kuryente
Wala, wala, wala, wala, wala
[Verse 3]
Palabas siya ng banyo nang matapakan si Muning
Katakot-takot na kalmot, si Kaka'y napadaing (Aray!)
Umakyat siya sa hagdan pero bago makarating
Nakatapak ng thumbtacks
Gumulong at nagkaduling-duling
[Chorus]
Eh kasi, walang kuryente
Brownout, walang kuryente
Wala, wala, walang kuryente
Wala, walang kuryente
Kasi walang kuryente
Brownout, walang kuryente
Wala, wala, wala, wala, wala
[Verse 4]
Lumabas siya ng bahay, doon sa kalye nagpahangin
At galit na tinadyakan ang aso ni Mang Gusting
Eh, nandun pala si Mang Gusting na siga sa lugar namin (Hoy!)
Ang kawawang si Kaka, sa ospital nakarating
[Chorus]
Eh kasi, walang kuryente
Brownout, walang kuryente
Wala, wala, walang kuryente
Wala, walang kuryente
Kasi walang kuryente
Brownout, walang kuryente
Wala, wala, wala, wala, wala
Eh kasi, walang kuryente
Brownout, walang kuryente
Wala, wala, walang kuryente
Wala, walang kuryente
Kasi walang kuryente
Brownout, walang kuryente
Wala, wala, wala, wala, wala