[Koro]
Liparin mo sa ulap
Sisirin mo sa dagat
Hukayin mo sa lupa
Baka naroon ang kalayaan
[Verse 1]
Tayo ba'y mga tau-tauhan
Sa isang dulang pangkalawakan?
Mga anino ng nakaraan
Alipin ng kinabukasan
[Koro]
Liparin mo sa ulap
Sisirin mo sa dagat
Hukayin mo sa lupa
Baka naroon ang kalayaan
[Verse 2]
Tayo ba'y mga saranggola
Na nilalaro sa himpapawid?
Makakawala ba sa pagkakatali
Kapag pinutol mo ang pisi?
[Koro]
Liparin mo sa ulap
Sisirin mo sa dagat
Hukayin mo sa lupa
Baka naroon ang kalayaan
[Verse 3]
Tayo ba'y mga sunud-sunuran
Sa takda ng ating kapalaran
Kaya ba nating paglabanan
Mga sumpa ng kasaysayan
[Koro]
Liparin mo sa ulap
Sisirin mo sa dagat
Hukayin mo sa lupa
Baka naroon ang kalayaan