[Verse 1]
'Di ko alam kung ano ang gagawin 'pag heto na ang pag-ibig
Tunay na kaya ito o isa na namang pagsubok sa akin
'Di ko alam
'Di ko alam kung puso ang susundin o ang tamang pag-iisip
Minsa'y nakalilito, damdaming mabigat, sakit pa ng ulo
'Di ko alam
[Chorus]
Sana'y malaman ko kung siya'y para sa akin
Sana'y malaman ko siya nga'y tapat sa akin
Ako'y maghihintay, laging dumalangin
Na siya'y makita ko
[Verse 2]
'Di ko alam kung ano ang gagawin 'pag heto na ang pag-ibig
Tunay na kaya ito o isa na namang pagsubok sa akin
'Di ko alam
[Chorus]
Sana'y malaman ko kung siya'y para sa akin
Sana'y malaman ko siya nga'y tapat sa akin
Ako'y maghihintay, laging dumalangin
Na siya'y makita ko
[Bridge]
Kahit sa panaginip
Oh, o siya na nga kaya
Ang nasa aking isip at tibok ng puso
[Chorus]
Sana'y malaman ko kung siya'y para sa akin
Sana'y malaman ko siya nga'y tapat sa akin
Ako'y maghihintay, laging dumalangin
Na siya'y makita ko
Na siya'y makita ko, oh
Sana