Noel Cabangon
Kung Saan-Saan

[Verse 1]
Tatlong dekada na ang nagdaan
Tatlumpung taon na ang nakaraan
Mahaba-haba rin ang pinagsamahan
Mga alaalang 'di malilimutan

[Chorus]
Kung saan-sa'n tayo nagtugtugan
Sa Diliman hanggang sa kanayunan
Dala ang init sa puso at isipan
Mga pangarap sa ating bayan
At sa sambayanan
Ooh-ooh-ooh, ooh-ooh-ooh-ooh-ooh-ooh

[Verse 2]
Lumipas ang ilang taon
Mula nang tayo'y nagsama
Naghiwa-hiwalay at tayo'y nagkanya-kanya
Kung saan-sa'n napadpad
Nagpalaot, naglayag
At sa tawag ng panahon
Muling nagkita ang landas

[Chorus]
Kung saan-sa'n tayo nagtugtugan
Sa Diliman hanggang sa kanayunan
Dala ang init sa puso at isipan
Mga pangarap sa ating bayan
At sa sambayanan
Ooh-ooh-ooh, ooh-ooh-ooh-ooh-ooh-ooh
[Verse 3]
Ang bawat tag-ulan at tag-araw
Ay baul ng alaalang nag-uumapaw
Mga bagay na nagbibigay-lakas
Na umawit at umibig nang tapat

[Chorus]
Kung saan-sa'n tayo nagtugtugan
Mula Mendiola hanggang sa kanayunan
Dala ang init sa puso at isipan
Mga pangarap sa ating bayan
At sa sambayanan
Kung saan-sa'n tayo nagtugtugan
Mula sa EDSA hanggang sa kanayunan
Dala ang init sa puso at isipan
Mga pangarap sa ating bayan
At sa sambayanan
Ooh-ooh-ooh, ooh-ooh-ooh-ooh-ooh-ooh

[Outro]
Mga pangarap sa ating bayan
At sa sambayanan
At sa sambayanan
At sa sambayanan