[Intro]
Dugo't pawis ang binuhos sa umaga pa lang
Para maging kalmado sa gabi habang naglilibang
[Verse 1: CLR]
Salamat sa mga hindi lumisan
Alam ko nagkamali rin ako minsan
Galaw ko ngayon akin nang pinag-iisipan
Habang pinipintahan, itong blankong papel
Demonyo na may pagkaboses anghel
Gamit ko ay lapis hindi na kailangan pa ng baril
Proseso ng aming utak ay hindi niyo
Maiintindihan kung hindi niyo kami kalevel
Hmmm, nasa'n kayo nung kami'y huma=hustle?
Ngayong imperyo na ang dating kartel
[Refrain: CLR, Omar Baliw]
(Nasa'n ka no'n?) Nung ako ay nadapa
(Nasa'n ka no'n?) Nung ako'y walang-wala
(Nasa'n ka no'n?) Nung ako'y nasa baba hindi kita mahagilap
(Nasa'n ka no'n?) Nung ako ay nadapa
(Nasa'n ka no'n?) Nung ako'y walang-wala
(Nasa'n ka no'n?) Nung ako'y nasa baba hindi kita mahagilap
[Verse 2: Omar Baliw]
Kahit ang daming humahamon, patuloy bumabangon
At kahit bumaha no'n, patuloy umaahon
Walang makakapatid, tunay habambuhay magkakapatid
Sumubok kahit na suntok sa buwan
Tuloy lang, 'di napagod magsagwan
Sa daming naranasan, natuto na
Hindi pwedeng galit ang nauuna
'Pag bumagsak ka d'yan ang daming matutuwa
Positibong mag-isip hanggang kaluluwa
[Chorus: CLR]
Negatibo isantabi, simutin ang nalalabi
Positibo lang palagi, hinding-hindi nagmamalaki
Dugo't pawis ang binuhos sa umaga pa lang
Para maging kalmado sa gabi habang naglilibang
[Verse 3: Omar Baliw]
Pati pato't panabla lahat ay tinaya
Binuhos ko'ng lahat hindi na tinansya
Nalulong sa proseso, adik sa resulta
Dating hindi maintindihan para bang reseta
Nung tinamad silang lahat kahit pagod ay nagsipag
'Yung iba ay naglibang habang ako ay nagtibag
Ng daan pinatag para byahe ay panatag
Kalmado at banayad, imposible na mabasag
May sariling liga, respeto hindi siga
Nangangating mga kamay para bang may higad
Kulang isang araw isuot mo ang sapatos ko
Sa dami ng diskarte, malabo nang matapos 'to
Pagmamahal sa ginagawa hindi ka niyan ililigaw
Lulubog o lilitaw, tama lang isisigaw
Walang sikreto dito, 'di kailangan na maglihim
Magtanim ng puno kaya ngayon ay malilim
[Chorus: CLR]
Negatibo isantabi, simutin ang nalalabi
Positibo lang palagi, hinding-hindi nagmamalaki
Dugo't pawis ang binuhos sa umaga pa lang
Para maging kalmado sa gabi habang naglilibang
[Bridge: Omar Baliw]
Kung akala nila, 'di mo kaya iyon
Diretso lang lakad, 'wag ka nang lumingon
Madaming tanong nakakalito
Kung pano makuha nasa sa iyo

[Outro: CLR]
Dugo't pawis ang binuhos sa umaga pa lang
Para maging kalmado sa gabi habang naglilibang