[Refrain: CLR]
Tulog ko ay laging hating gabi
Simot ang oras hindi na 'ko nagtabi
Yeah, ang itinanim ay bumunga na't magdidiwang kami
Mga tunay lang ang laging katabi
Nasaan ka no'n nung iilan lang kami
[Verse 1: CLR]
Yo, konting bilis tingnan natin kung makahabol ka pa
Mga nahuli dati, ngayon ay nauuna na
Lumaban lang ng patas, 'di nagpatabi sa makatuwid
Humarurot kaya napag-iwanan ka na
Sabi naman sa'yo pangala'y babakat
Kain lahat kahit kanino mo man itapat
Mga ayaw sa'min luha nila'y papatak
Puro kahol lang walang pangil na pang-kagat (Walang pang-kagat)
[Verse 2: Omar Baliw]
Uh, ginagawa lang 'di na sinasabi
'Yung naniwala lang din sinasali
Silang pumusta magmula nung una
Hanggang sa bulsa namin mapuno na
'Di nakalimot tanda ko kung sinu-sino lang
Mga kasama nung kita ko piso-piso lang
Maliit na bilog aking ruta dito-dito lang
At nung mga araw na benta ko pito-pito lang
Buong-buo pinag-aralan paganahin
Tipong ubos agad sa mesa pagkahain
Tapos babalik kasi sa'kin nasarapan
Kaya salamat kung 'gang ngayon nasa harapan
[Chorus: CLR]
Putapete 'di kasali
'Yan ang laging sambit ng 'yong mga labi
Habang kami naghuhukay ng ambisyon
Kung saan ang dyamante doon ang aming direksyon
Wa na koy labot sa inyo
Kukunin namin ang para sa amin dito
'La mi labot sa inyo, sa inyo
[Verse 3: Omar Baliw]
Uh, iba ang sipag sa pinanggalingan ay baba
Mas delikado pa, 'pag bitbit utak mataba
Naglalaro ang isip do'n sa kalawakan
Tanging pangarap lang aking pinanghawakan
Lubak-lubak man ang byaheng pinagdaanan
Ay kahit kailan 'di ako pinanghinaan
Kaya mas lalo pang nanggigil at mas sumagad
Aking tira kahit no look ay pasok agad
Kasi inaral nang maigi bago bumitaw
Kaya ang pag-asa sa akin medyo lumitaw
Kung may kulang man sa kilos laging dagdagan
O kung matisod man palag lang laging pagpagan
Uh, alam mo dapat lagi ang misyon
Uh, kukuhain natin ambisyon
Uh, walang bitawan hanggang makamit
On the way alam niyo na sa premyo ay palapit
[Chorus: CLR]
Putapete 'di kasali
'Yan ang laging sambit ng 'yong mga labi
Habang kami naghuhukay ng ambisyon
Kung saan ang dyamante doon ang aming direksyon
Wa na koy labot sa inyo
Kukunin namin ang para sa amin dito
'La mi labot sa inyo, sa inyo
[Bridge: Omar Baliw, CLR]
Uh, kung hindi man ngayon ay sumubok ka lang
Kung anong nakahain sumubo ka lang
Ang daming sablay natuto lang din
Daming pangarap natutupad din
At kung akala nilang 'di mo kaya iyon
Diretso lang lakad, 'wag ka nang lumingon
Maraming tanong, nakakalito
Kung pa'no makuha nasa sa iyo (Alam niyo na)
[Outro: CLR, Omar Baliw]
Ahh, kaya walang pake
Kahit tulog ko ay laging hating gabi
Simot ang oras hindi na 'ko nagtabi
Yeah, ang itinanim ay bumunga na't magdidiwang kami
Mga tunay lang ang laging katabi
Nasaan ka no'n nung iilan lang kami
Ngayong hating gabi
Simot ang oras hindi na 'ko nagtabi
Yeah, ang itinanim ay bumunga na't magdidiwang kami
Mga tunay lang ang laging katabi
Nasaan ka no'n nung iilan lang kami
Uh, nasan ka no'n?