Ren
4 ACES
[Chorus]
Mala-Ama Namin pagpikit rekta ulap
Turo mo'y bilangin para 'di ka magulat
Una sa baraha ang panalo ng Pinoy
'Lika sa apat na sulok kung kakayaning lumangoy
Suot na ang korona na nakatatak alas
Hawak na rin ang pangalang angas ng 'Pinas
Kayo, sila, ako ito ay ating kilala
Kung hindi dapat pala'y mag-abang-abang ka na

[Verse 1]
Tila ba'y 'di lang kinagiliwan ng karamihan sa lalawigan
Dahil siya din ang isa sa bidang nagmalaki ng pinanggalingan
Pamamagitan ng patagisan 'di nagpaiwan sa kaalitan
Kaya hinirang na nga siya bilang isang mabisang may kagalingan
Itong quadro alas titulado na mas
Determinado't talagang may siguradong lakas
Ang lebel pang-eksperto 'pag John Riel Casimero
'Pagkat gigil sa ingkwentro naka-defend sa'ting puwesto
Paulanan ng magkabilaang sapak na animo'y talagang nagbabaga
Sa kanilang pakakawalan na sapak ay umilag ka lang ng malaya
Naniniwalang makakawawa sila sa iyong pananalasa
At nagkakamali sila kung inaakala nilang sila'y makakatama

[Chorus]
Mala-Ama Namin pagpikit rekta ulap
Turo mo'y bilangin para 'di ka magulat
Una sa baraha ang panalo ng Pinoy
'Lika sa apat na sulok kung kakayaning lumangoy
Suot na ang korona na nakatatak alas
Hawak na rin ang pangalang angas ng 'Pinas
Kayo, sila, ako ito ay ating kilala
Kung hindi dapat pala'y mag-abang-abang ka na
[Verse 2]
Kaya kabahan ka na sa mga kaya niyang gawin
Seryosong kalaro ang kaagapy mo sa ring
Partida sa simula ikaw ay papakainin
Ng mga kamao bago ka pabagsakin
Pa'no sasabay kung nauna kang matumba
Sa tingin palang labas na 'yong pamumutla
Polidong Pinoy na siyang lakas ng mga bisaya
Mga bakas ay parang biyaya kung makalaban mo na siya
Pangalang pag madunggan ulbo mga dughan
Kay adunay kumo pag makaon makatukan
Nganga ang tutulan bungol ang dalunggan
Ang sinumbagan katumbasan kay murag natumban
Kulangon ang mga ugam kung sakit kay pamation
Nawong nga mga guba kay mura nagkabalion
Sation palang munang walay gamay ng malakas
Ng 'Pinas na si "Quadro Alas"