Gloc-9
Si Raul
Naranasan mo na bang kumain ng walang nakahain
Nabasa ng ulan dahil wala kang dahon ng saging na masilungan
'Di tinulungan, 'di mo akalain na tuluyan
Kang matatapunan ng mga suliranin

Naranasan mo na bang parang nakagapos ang mga braso
Sa mga problemang kinakaharap ay lagi kang talo
'Di na alam ang iyong gagawin, sa putik ay sagipin
Kung meron kang pagtingin aking palad ay abutin

Tila hindi na tuluyan pa maubusan ng luha
Mata na palagi na lamang nakatitig sa lupa
Hindi na kayang tumingala
Kailan makakawala
Magkasing dami ng pagsubok
Ang aking pagkadapa

Kailan pa matatapos paghihirap ko sa buhay
'Di ko 'to ginusto pero mahaba na'ng aking sungay
At ng hindi na madamay pa sa aking kamalasan
Pilitin mong matakasan bago pa 'ko masiraan ng aking

(Ulo)
Bago pa ako masiraan ng aking (ulo)
Ayoko mang masiraan ang aking (ulo)
Bago pa ako masiraan ng aking (ulo)
Bahala na masiraan ng ulo
Naranasan mo na bang pawisan?
Hindi mo pwedeng punasan
Hindi mo pwedeng iwasan
Hindi mo pwedeng labanan
Hindi mo pwedeng gamitin
Hindi mo pwedeng hipuin
Sunud-sunurang alipin na parang ako'y inutil

Na laging hinahagupit ng amo kong malupit
Nadarama kong sakit palaging nakapikit
At pilit na tinitiis ang bawat hapdi
Sa mga araw na laging kulang ka sa salapi

At di mo na malaman kung kanino ka hihingi
Kung minsan ay hindi mo na makuha pang ngumiti
Pagkagising ay trabaho kung minsan ay namamaho
Kasi butas na ang tabo wala pang tubig sa banyo
Sinasabutan mo nang sarili langaw ay hinuhuli
Pag mag-isa'y humuhuni nandyan sa tabi-tabi
Gusto mo na sumigaw
Gusto mo na bumitaw
Sabihin mo sa akin bago pa ako masiraan ng aking

(Ulo)
Bago pa ako masiraan ng aking (ulo)
Ayoko mang masiraan ang aking (ulo)
Bago pa ako masiraan ng aking (ulo)
Bahala na masiraan ng ulo