Gloc-9
Yakap
[Verse 1]
Salamat at nandyan ka pa
Kahit nag-alisan na sila
'Di mo ako iniwan, hindi ka umalis
'Di mo tinalikuran, hindi ka nainis

[Verse 2]
Sinamahan mo ako
Ngayong mag-isa ako
Walang-wala nang ilalaan
Dalang-dala, buti na lang

[Chorus]
Binuhat mo ako nung 'di ko na kaya pang tumayo
Sa aking mga paa
Niyakap mo ako nung ang buhay ko'y tila gumuho
Ayoko na

[Verse 3, rap]
Sa lahat ng aking mga nilapitan
Hindi ka lumayo, ikaw ang nakapitan
Ang tanging nasabihan ng lahat
Mga hinanakit, kumakagat-kagat
Buhat-buhat nila ang bigat, bakit ako lang ang may pasan
Laging salungat sa mga inaasam-asam
Tibay mo ang siyang nabibigay sa akin ng pag-asa
Tuwing pait na lamang ang natitikman na lasa
Sa buhay mo na madaya, sadyang mapanlinlang
Kalungkutan sa ligaya ang tunay na matimbang
Ang natitira na lamang ay ang kaisa-isang
Karamay, aakayin ka na walang katuwang
At hindi ka bibitawan kahit gaano katarik
Maglalaho ang sakit pagkatapos ng halik
Wala nang bawian, pagkat 'di na pwedeng ibalik
Ang ibibigay ko sa iyo'y sadyang walang kapalit
Kahit masakit
[Chorus]
Binuhat mo ako nung 'di ko na kaya pang tumayo
Sa aking mga paa
Niyakap mo ako nung ang buhay ko'y tila gumuho
Ayoko na

Binuhat mo ako nung 'di ko na kaya pang tumayo
Sa aking mga paa
Niyakap mo ako nung ang buhay ko'y tila gumuho
Kung meron lang iba

[Outro]
Sinamahan mo ako
Ngayong mag-isa ako
Walang-wala nang ilalaan
Dalang-dala, dito na lang