Mga nagbibilang
Kung sino ang mga may bilang
Bilang bilanggo sa paglaya ay naka-bilang
Magkaka-bilang lang kung maiisip mong gumapang na lamang sa digmaan ng mga pananaw at ng hidwaan
Nakikipag-bulungan habang may nagsisigawan
Nagsisi - sino naniwala sa bulong na nagsisigaan?
Kumalat ang mga paso noong ikinalat ang baga sa sigaan
Paniniwala'y pinapasa hindi lang para paniwalaan
Nahulog sa kahulugan kaya nagkakahulugan
Ang kahulugan ay kahul na lamang kaya nag kakalunudan
Tayo, tayo ang may gawa kaya nagkakaturuan
Nagkakataguan, tayo, imbis na nagtuturuan
Nagpapakita ng paki upang may makita ka pa
Panalig na kita kaya makakakita ka na
At makikita ka na, sa mga dapat na kakitaan ng anyo
Upang ungkatin ang katotohanan sa likod ng bawat totoo
Ng bawat totoo
Sinong may alam?
Ikaw ba o ako?
Tayo ba o sila?
Walang may alam kung sino