Kiyo
Puyat
[Chorus: Kiyo]
Ang tanong, bakit ba paikot-ikot?
'Di na nakatulog, nalutang
Puyat na naman ang isip ko, saan kaya matatagpuan?
Ligaw ang aking sarili, binibilog-bilog, 'la na bang katapusan?
Dami dinaanan na pasikot-sikot, 'yan ang 'di nila alam

[Verse 1: Kiyo]
Para saan ba? Para saan pa pagbangon sa umaga?
Ang dami nang tyansang nasayang, ayokong tumandang
Tatawaging naka-tsamba, o kaya ay nasayang
Lahat ay planado, hindi ito freestyle
Dati ayaw ko sa daytime, minsan ang hirap na din na itago
Kahit pa sa pic, naka-peace sign
Ilang taong na din dami-dami ngang nangyari?
Ilang taong na din akong lumalagari?
Dami ko naiwan, dami din nagbago, mga pare, 'di bale
Pero gano'n talaga 'pag tumatagal
Nagkakaroon ng mga kaniya-kaniyang gusali

[Verse 2: Kiyo, YVNG ₱ESO]
Gano'n pa din naman, ako pa rin ito
Busy lang siguro, katulad mo din akong
Minsan nalilito, minsan napipikon, minsan natutuliro
Minsan nabibigo, minsan lumiliko
Tulad mo lang din ako, tao lang din ako
Tao lang din ako, tao lang din ako na tulad mo
Tao lang din ako, tao lang din ako na tulad mo
Tao lang din ako, tao lang din ako na tulad mo
Tao lang din ako, tao lang din ako na tulad mo
Gigising sa umaga, gagawa ng pera, pera parang kahapon lang
Dami-daming oras hawak ko sa palad pero, pero nasayang lang
Iba ang tadhana kapag nagbiro, madaming lagusan, maraming pinto
Karanasan ang nagsilbing guro, usok sa isipan kong magulo
[Chorus: Kiyo]
Ang tanong, bakit ba paikot-ikot?
'Di na nakatulog, nalutang
Puyat na naman ang isip ko, saan kaya matatagpuan?
Ligaw ang aking sarili, binibilog-bilog, 'la na bang katapusan?
Dami dinaanan na pasikot-sikot, 'yan ang 'di nila alam
Ang tanong, bakit ba paikot-ikot?
'Di na nakatulog, nalutang
Puyat na naman ang isip ko saan kaya matatagpuan
Ligaw ang aking sarili, pero 'di papayag ng ganito na lang
Gagawa ng paraan parang kahapon lang
Parang kahapon lang, parang kahapon lang
Parang kahapon lang

[Verse 3: YVNG ₱ESO]
Teka, hindi pa tapos lumagari, 'lam mo na bakit?
Pambili ko ng ticket sa sasakyang rocket
Papuntang langit pero hindi pwedeng huminto
Mamarka parang tattoo, sinasabi ko na, jusko po
Ano meron sa likod ng pinto?
Marka na dulot ng pagkabigo, patunay na nasa laro
Palaban 'to, pre, yeah, nasa dugo
Bitbit ko ang aking mga kapulo, yeah
Kaya mula noon hanggang ngayon
Init inipon na parang Mayon
Kaya 'pag bumuga lahat kayo baon
Ra-ta-ta-ta, parang bagong taon
Hinga nang malalim, talon sa balon
Iba na ako ngayon, subok na ng panahon
Katagang dinura, may kasamang aksyon
Mga pangarap pumapanahon
Squad ko legit, beterano sa street
Eat, sleep, get that peso repeat
Take notes mga kids when I preach
My mama told me that I need to get rich
Kasi pangarap magarbo, 'di pwedeng matalo
Para may laman ang plato, laging ganado sa bawat panalo, yeah
[Verse 4: Kiyo]
Tulala sa papel, hawak ang panulat
Iterno mga salita, buuin ang pangungusap
Lapis man mabali o tinta man kumupas
Kapag galing sa puso tiyak tanda ng utak
Laki sa hirap, uhaw sa buhay
Sinuway magulang, walang patnubay
Sariling ruta, sakay mga tunay
Ginto sa putik, tagal mahukay
Walang dapat na patunayan, nandito pa ako, 'yun ang patunay
Mulat ang diwa, mata mapungay
Alam na kulang, 'di pa mahusay
Maliit na bagay, nagpupugay
Dami ko pa na gustong gawin, alamin
Gusto kong bahay na salamin
Bumili nang 'di na tumingin, Ma
Kahit anong gusto mo, sige kuha
Hindi maghihintay, magkukusa
Palitan ng saya ang mga luha
Ingat sa nakakasalamuha

[Outro: YVNG ₱ESO]
Sobra sila 'di ka nagkulang
Sobra sila 'di ka nagkulang