Kiyo
Ano Na
[Marq Aljo]
Ayoko na matigil
Ang pag-ibig na tayo lamang ang may gigil
Ikaw lamang ang tanging babaeng pumigil
Sa mga kalokohan kong 'di kayang maalis para bang bumibilis

Ang tibok ng puso kapag ika'y nandiyan
Alam ko 'pag biyaya 'pag ang Diyos ang naglaan
Hindi ko sasayangin ang oras na dadaan
Ikaw ang kasagutan sa tanong kong pasan pasan

Ang simple ng mukha mo ako ay nadali
Nakalugay ka pa ayoko na mag pari
Pakinggan mo ang aking mga sinasabi
Ito ang tangi kong kanta sayo pang hele

Para bang ikaw ang pumipinta
Hawak mo ang buhay ko 'pag di na tama
Laking pasasalamat ko ikaw na nga
Ang tanging anghel na sa akin ay humiga

[Carl Villafuerte]
Sa pag gising ko tila himig mo ang bungad ng araw ko
Pag mulat ng mata jusko eto may muta pa ako ugh
Teka ano na nga ba san na ba papunta lungkot nang buhay ko'y talagang grabe na
Hanggang saan ba aabot ang panaginip ko sa isang babaeng umaalon ang kanyang buhok
Para bang gusto ko na tumakas talaga sa isang bangungot na binuo ko nang mag isa
Habang ako'y papatulog na dapat na ng mahimbing
Ako'y nappraning at napapailing sa
Mga bagay na iniisip ko sa tuwing ako'y nababato
Bakit ganto naninigas ang ulo ko
Tumayo nalang bigla ang aking buhok tila ba parang
May isang babae na nakatayo sa sulok
At di na makalagaw ang aking nararamdamdam na para bang may humahaplos na
Saking mga tiyan

Kasabay nitoy hawak ko na ang isang mainit na uhhh isang tasang kape
Bakit ganto ba pre hindi mapakali sa tuwing ako'y nag iisa wala na akong pake

[Kiyo]
Para kang bahaghari
Sa liwanag iyong nadali

Kung hindi ikaw ang pinangako mabuti nalang na maging isang pari

Sa kamandag na taglay ay grabe
Walang sinabe mga babae, sa karilagan, kapag dumaan
Kasalanan ko nanaman dahil naakit

Sapula mo na labi sana nakatitig ka sa'kin palagi
At sa pagdilat sa umaga tinig mo ang panggising sa'kin

Na parang pelikula, di na kaylangan mag cinema
Ikaw ang buong istorya, sabay boses mo ang nagsisillbi na musika
Sining sa museo na tanging diyos lamang ang nagpinta
Nakita kita naparang anghel, para sakin at di sa iba

Ang hirap na magbida, ang isa na extra