Ex Battalion
Saya
[Intro]
Flip-D on the beat

[Chorus: Bosx1ne]
Sobrang saya dahil nga kasama ka
Sobrang saya, pangarap ko'y abot ko na
Sobrang saya, 'di ko inakala na (Oh)
Ikaw ang dahilan ng kasiyahan (Oh)
Sana 'wag na 'yon magbago

[Verse 1: King Badger]
Sobrang saya, sobrang saya ko
Dahil sa dami-dami ng mga lalaking nagkandarapa sa'yo ako ang napili mo
Tuwang-tuwa, tuwang-tuwa sa'yo
'Di ko na kailangan ng kayamanan dahil sa'yo pa lang talaga panalo na 'ko
Kuntento na, kuntento na sa'yo
'Di na kailangan ng kung ano-ano pa
Basta masaya ka, 'yon ang mahalaga hey

[Verse 2: Flow G]
Ikaw na lang ang kulang, buti dumating ka
Buhay ko na madilim naging masigla
Dating napakapait naging iba ang timpla
Buti na lang sweet ka, naging mas matamis na
Alam mo bang wala nang ibang
Mas matimbang sa salitang "Para sa akin ka lang"
Kaya 'wag ka nang magtaka kung ba't sumasaya 'ko
Sa'yo ko lang kasi naramdamang mahalaga 'ko
Maraming salamat, 'di ka nawalan ng ganang
Mapagana 'yong dibdib ko na nawalan na ng ganang huminga
Ngayong katabi na kita, gumising na ang puso kong matagal nagpahinga
[Chorus: Bosx1ne]
Sobrang saya dahil nga kasama ka
Sobrang saya, pangarap ko'y abot ko na
Sobrang saya, 'di ko inakala na (Oh)
Ikaw ang dahilan ng kasiyahan (Oh)
Sana 'wag na 'yon magbago

[Verse 3: Brando]
Minsan mapapaisip ka na lang
Kung ano ba talagang totoong dahilan
Ng iyong kaligayahan
Mga bagay na nagbibigay ng kasiyahan
Balewala man, basta alam ko
Na dapat pahalagahan ang tulad mo
Napapawi mo ang pagod, inaalis mo
Kung anong kinakatakot, hinahatid mo
Ako do'n sa alapaap, sa pagdating ko
Salubungin mo ng yakap, sabay halik mo
'Yan ang nagpapasaya, ang mabuhay na kasama kita
Lahat ng bagay nag-iba nang makilala kita

[Verse 4: Emcee Rhenn]
Minsan gusto ko nang kamayan ang sarili ko
Sa dami ng tagumpay 'di mabilang sa daliri ko
Kahit ako kung minsan sa tadhana ay nalilito
Kung pa'no nagkapera na puhunan lang ang liriko
Tapos 'eto pa, dumating ka pa
Daig ko pa 'yong feeling ng nanalo ng limang
Bahay, kotse, alahas at pera
Maliwanag na lahat kahit pa na walang gasera
'Yan 'yong feeling ko sa piling mo, 'yong feeling
Na hinding-hindi ko ipagpapalit (Hinding-hindi ko ipagpapalit)
Nakangiting ninanamnam ang buhay
At sa bukas ay nasasabik (Ako'y nasasabik)
[Chorus: Bosx1ne]
Sobrang saya dahil nga kasama ka
Sobrang saya, pangarap ko'y abot ko na
Sobrang saya, 'di ko inakala na (Oh)
Ikaw ang dahilan ng kasiyahan (Oh)
Sana 'wag na 'yon magbago

[Verse 5: Skusta Clee]
Kahit na wala 'kong kotse't pera basta't kasama kita'y
Ako'y okay na (Yeah, yeah), wala nang hahanapin dahil
Hindi mo masusukat ang kaligayahan
Sa kahit na ano mang materyal o bagay
Basta't tayong dalawa lamang (Lamang, lamang, lamang)
Masaya tayong nagmamahalan, woah-ooh, woah

[Chorus: Bosx1ne]
Sobrang saya dahil nga kasama ka
Sobrang saya, pangarap ko'y abot ko na
Sobrang saya, 'di ko inakala na (Oh)
Ikaw ang dahilan ng kasiyahan (Oh)
Sana 'wag na 'yon magbago