[Intro]
Yow
Yow
[Verse]
Akala na lang ang lahat
'Yan ang akala ko noon
Dasaling tuwing a-kinse at a-trenta lang kung tumugon
Tuwing kada panlaman tiyan ang hingin ko sa Panginoon
Sukli Nya'y kaganapang ilang laway ang pinalulon
Gatas ko sa labing 'di ko ga'nong nalasap
Ang nagsabing gulugod ko lang ang 'di ko kayang kaharap
Pati buwan ay pinuruhan timpe ang pinuhunan
Pilas ng sulatan ko't kalendaryong 'di ko tinulugan
Para lang sinugal kong panahon tama nang masuklian
May dala nang kalupitan simula nung nasa panubigan
Sa kabila ng eskinita't kanto kong nauwian
Ang katunayan gintong makinang ay makikita sa putikan
Buena man–
Ahhh
Teka, teka
[murmuring]
Buena manong nagtiwala sa'kin ay ako din
Sa panahong palaisipan pa kung sa'n ba 'ko dadamputin
Nawalan ng ganang antukin sa dami ng dapat sabunin
Bukod sa bunbunan may diwa pa 'kong dapat katukin
Uy, anong ginagawa mo dyan sa bodega? Standby na 2 minutes
Ay, gan'on ba? Ah, sige sige, teka lang
Tara