Parokya Ni Edgar
O Inday (Isang Munting Harana Ni Gardo Sa Maid Ni Mr. Lim)
Isang munting harana ni Gardo sa maid ni Mr. Lim

Merong kakaibang nadarama
Kapag nakita ka’y anong saya
Sa tuwing iirap ang iyong mga mata
Lumiliwanag ang mundo sa’yong ganda

Kay tamis ng ‘yong mga ngiti
Pang commercial ng Datu Puti
At kahit na ang ngipin mo’y medyo sungki
Ang iyong halik ang siyang minimithi

O inday, ako ay nabighani
Ng ‘yong mga pisngi inday
Sana ay bigyang pansin
Ang aking pagtingin

Sa tuwing dumaraa’y nag-aabang
'Pag nautusan ka sa may tindahan
Ihahatid ka sa inyo
Sana’y wala doon yung amo mo

Sa araw-araw ay inaasam
Kahit saglit sana ay masilayan
Meron akong hiling sa’yo
Sa day off mo sana’y mag-date tayo
O inday, ako ay nabighani
Ng ‘yong mga binti inday
Sana ay bigyang pansin
Ang aking pagtingin

[Instrumental]

O inday, ako ay nabighani
Ng ‘yong mga pisngi inday
Sana ay bigyang pansin
Ang aking pagtingin

O inday, ako ay nabighani
Ng ‘yong mga binti inday
Sana ay bigyang pansin

Ang aking pagtingin